General Information and other helpful jobs

Heto ang mga prutas at gulay na mabuti sa ating kalusugan


Ang mga prutas at gulay na orange at dilaw ang kulay ay kadalasang mabuti sa ating mata, balat, Baga at immune system. Ang mga pagkaing ito ay may taglay na beta-carotene, lycopene, flavonoids, potassium, at vitamin C. Makakatulong ang mga sangkap na ito para maiwasan ang sakit sa mata, nagpapababa ng kolesterol at maiwasan ang kanser.

Heto ang mga prutas at gulay na mabuti sa ating kalusugan:

*Papaya
Katulad ng ibang pagkaing kulay orange, ang papaya ay may sangkap na beta-carotene at vitamin C, dahil dito may benepisyo ito sa ating balat immune system. Ang papaya ay may taglay na papain, isang enzyme na tumutulong sa pagtunaw ng ating kinain. Para sa mga taong nagtitibi, ang papaya ay nagpapalambot ng dumi. Maganda din ito sa may edad para maging normal ang kanilang pagdumi.

*Carrots
Ang karots ay makakatulong sa ating paningin, balat at panlaban din sa kanser dahil sa taglay nitong vitamin A,C at E.  Ang karots ay nakakabawas sa tsansang magkaroon ng kanser. Nagpapasigla din ito ng balat at nababawasan ang ating wrinkles. Nakakapayat din ito dahil 35 calories lang ang kalahating tasa ng karots.

*Pinya
Ang pinya ay may sangkap na bromelaine, na makakatulong sa pagtunaw ng ating pagkain at makababawas sa pamamaga sa ugat. Ang pinya ay mayaman sa manganese at vitamin B, na nagbibigay sa atin ng lakas. Mataas din ito sa vitamin C, ang isang tasa ng pinya ay nagtataglay ng 75 calories.

*Kamote
Ang kamote o sweet potatoes ay mayaman sa strach, fiber, beta-carotene, folate, potassium at vitamin B6, C at E. Napakasustansiya nito at mabilis pang makabusog. Ang kamote ay posibleng makapigil sa pagkakaroon ng lung cancer sa mga taong naninigarilyo.

*Orange, lemon, dalandan at kalamansi
Ang mga prutas na ito ay tawagin ay citrus fruits, ito ay punong-puno ng citrus. Makakatulong ang Vitamin C sa mga may sipon, hika, osteoarthritis at rheumatoid arthritis. Pinapalakas nito ang immune system ng katawan. May taglay din itong folate at potassium. Ang folate ay nagpapababa ng isang masamang kemikal sa katawan at makakatulong sa may sakit sa puso.





Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitue for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patienst shoudl always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive