General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Hoarders of vital commodities to be arrested amid of COVID-19 concerns



 Nagbabala na ang Malacañang sa mga nanamantala sa gitna ng pagkalat ng COVID-19, para sa mga nagtatago at nagbebenta ng alcohol at face masks sa mataas na halaga or overpricing ay maaaring maaresto. Kaya kung may alam kayo na nagbebenta ng overprice na alcohol at mask ay maaring i-report.

Ayon sa Palasyo, ang mahuhuling nagtatago at nagbebenta sa mataas na halaga ng mga pangunahing pangangailangan ng tao sa gitna ng banta ng COVID-19 ay agad aarestuhin at papatawan ng karampatang parusa.

Nanawagan rin ang Malacañang na huwag gawing “exaggerated” ang mga balita, iwasan ang fake news patungkol sa COViD-19 dahil makakaapekto ito sa publiko. Dagdag din ni Panelo, "bumili lamang  ng sapat at huwag magpanic buying"

Sinigurado naman ng Department of Trade and Industry na mayroong sapat na supply sa mga pangunahing pangangailangan ang ating bansa.


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive