General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Hong Kong Customs Authorities arrested 2 women for swindling 8 Pinay Workers



Inaresto ng Hong Kong Customs authorities ang dalawang babae na nanloko sa walong Filipina domestic workers na magbayad sa kanila ng humigit $180,000 sa isang pangako na ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan ay bibigyan ng trabaho sa special administrative region at sa Macau.

Sinabi ni Superintendent Suzette lp nitong March 17 na ang dalawang kababaihan ay nagpakilala na personnel sa employment agencies. Sa special operation tinawag ng Hong Kong Customs na "Phantom," ang agencies na trabaho ng dalawa dahil ito ay hindi lisensyado.

Ayon sa local media, ang dalawang suspek ay niloko ang mga Filipina na may edad 27-47 sa pagbabayad ng hindi bababa sa $12,000 sa agency fees para sa trabaho na waiters to factory workers sa Hongkong at Macau.

Ang dalawang nagsasagawa ng bogus employment agencies ay nasa edad 54 at ang isa ay edad 42. Hinihinala na ang mastermind ng scam ay ang mas nakakatanda.

Ang mga biktima na katulad ng nasabing scam ay pwedeng tumawag sa Custom's 24-hour hotline at 2545 6182.
Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive