General Information and other helpful jobs

Kaalaman sa Kamias bilang halamang gamot


Ang kamias ay isang kilalang puno sa Pilipinas na karaniwang tumutubo saan man sa kapuluan. Ito ay may puno na katamtaman lamang ang taas at may bunga na namumukadkad sa mismong katawan ng puno. May angking asim ang bunga nito.

Ang iba't-ibang bahagi ng halamang kamias ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansiya tulad ng:
*Bunga - ay may taglay na potassium, oxalate, flavonoids, Saponins at treterpenoid.
*Balat ng kahoy - ay mayroong alkoloids, flavoy at Saponins.
*Halamang ng kamias ay mayroong mga kemikal na amino acids, citric acid, sugar, potassium ion, glucose, at vitamin A.

Ang mga sakit na maaaring malunasan ng kamias ay:
*Beke. Pinapahiran ng dinikdik na dahon ng kamias ang apektadong bahagi ng katawan partikular sa bandang panga.
*Almoranas. Maaaring maibsan ang pamamaga ng tumbong o almoranas sa pamamagitan ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng kamias.
*Rayuma. Ang pananakit sa mga kasu-kasuan na dulot ng rayuma ay maaaring maibsan sa pamamagitan ng pagpapahid ng dinikdik na dahon ng kamias.
*Pangangati ng balat. Pinapahiran ng dinikdik na dahon ng kamias ang bahagi ng balat na dumadanas ng matinding pangangati.
*Tigyawat. Makakatulong ang dinikdik na dahon ng kamias sa matinding pagtatagihawat.
*Iritasyon sa mata. Maaaring patakan ng katas ng kamias ang mata na may iritasyon.

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
*Bulaklak. Maaaring gamitin ang bulaklak ng kamias sa panggagamot sa pamamagitan ng pagpakulo at pag-inom sa pinaglagaan nito.
*Dahon. Ang dahon ay kadalasang dinidikdik at ipanangtatapal sa bahagi ng katawan na dumadanas ng kondisyon. Maari itong pakuluan at inumin na parang tsaa.
*Bunga. Madalas gamitin ang bunga sa paggagamot sa pamamagitan ng pagkain nito, o paglalaga at pag-inom sa pinaglagaan. Madalas din itong katasin upang magamit ang katas sa panggagamot.



Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitue for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patienst shoudl always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive