General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Kingdom of Saudi Arabia temporarily banned entry of Filipino tourists amid of COVID-19 concern


Isang anunsyo ang inilabas ng bansang Saudi Arabia, ito ang pansamantalang pagbabawal sa mga mamamayan ng ilang mga bansa kasama ang Pilipinas sa isang utos upang mapanatili na mapigilan ang sakit COVID-19 virus na makapasok sa bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang mga sumusunod ang sakop sa pansamantalang pagbabawal ng  pagbyahe sa Saudi Arabia:

* Umrah Visa holders; at
* Tourist Visa holders mula sa mga bansang hinuhusgahan na magdudulot ng isang mataas na peligro sa pagkalat ng virus, kabilang na ang Pilipinas.

Ang mga Pilipino na kasalukuyang may hawak na employment visa, business visit, work visit at family visit ay patuloy pa ring pinahihintulutan ng Saudi Arabia na makapasok sa bansa. 

Sinabi ng DFA na ang pagbibigay ng mga entry visa sa Kingdom of Saudi Arabia para sa layunin ng Umrah o kaya naman sa pagbisita sa Prophet's Mosque sa Medina pati na rin ang pagbibigay ng mga tourist visas ay talagang sinuspende.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive