Ipinatupad ito matapos maglabas ng pahayag ang Department of Health Cordillera na may dalawang tao ang nagpositibo sa coronavirus ayon sa resulta ng isinagawang test sa kanila.
Ang isang nagpositibo sa Covid-19 ay 6 na taong gulang na babae na may travel history sa Cavite. Siya ay kasalukuyang nasa Benguet General Hospital at stable na ang kanyang kondisyon.
Isa ring babae ang pangalawang kaso sa lugar na may edad na 34 taong gulang na dati ng dinali sa parehong Ospital ngunit siya ay na discharged noong March 26. Subalit siya ay nagpositibo sa Covid-19 test na lumabas lamang noong Biyernes.
Kinansela naman ng mga opisyal ang travel permits at sinuspende rin maging ang operasyon ng La Trinidad Trading post habang nagsasagawa pa sila ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng dalawang nagpositibo sa Covid-19.
https://www.gmanetwork.com/news/news/regions/731739/la-trinidad-benguet-placed-under-extreme-enhanced-quarantine-for-3-days-no-travel-allowed/story/
No comments:
Post a comment