General Information and other helpful jobs

Labor chief says proof of payroll is needed to get 5,000 cash aid




Manila-Philippines (March 30, 2020) - Ngayong Lunes ay hinikayat ni Labor Secretary Silvestre Bello ang mga employer na mag-avail ng financial assistance para sa kanilang mga empleyado na ibinibigay ng gobyerno para sa mga apektadong manggagawa sa ipinatupad na community quarantine sa boung bansa.

Sa pahayag ni Bello sa DZMM, sinabi niya lahat ng formal sector ay pwedeng mag-avail ng cash assistance malaki man o maliit na kompanya. Ang kailangan lang ay proof of payroll upang makatanggap ng Php 5,000 ang kanilang mga empleyado.

Dagdag pa niya ang employer mismo ang magpapadala ng payroll at ipapadala naman nila ang pera sa mga employer upang sila ang mamahagi sa kanilang mga empleyado sa nasabing tulong doon sa mga apektado ng lockdown.

Sa ngayon ay nag-aalok ng trabaho ang gobyerno bilang pamalit sa nawalang kabuhayan nila. Ito ay ang pagiging isang disinfectant sa kanilang baranggay at sariling bahay kasama ang mga health workers. Sila ay papasahurin ng pamahalaan ng minimum wage.

Samantala, para naman sa ating mga kababayan na OFWs na nawalan ng hanapbuhay makakatanggap ng $200 cash assistance ito ay ayon sa pahayag ni Bello.



https://news.abs-cbn.com/business/03/30/20/p5000-cash-aid-labor-chief-says-proof-of-payroll-needed
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive