General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Lola sa Cainta pinamigay ang panindang pagkain sa mga kapit-bahay sa gitna ng lockdown dahil sa covid-19



Maynila- (March 31, 2020) Dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine sa buong luzon kung kaya pinapayuhan ang lahat na manatili sa loob ng bahay upang maiwasan ang lalong pagkalat ng covid-19.Pero sabi nga ng mga maralita nating kababayan,ang enhanced community quarantine ay para lamang sa mga mayayaman,may ipon at higit sa lahat kahit nasa bahay lang tuloy parin ang pera.Sa mga mahihirap nating kababayan ang manatili sa loob ng tahanan ay nangangahulugan ng pagkagutom ng kani kanilang pamilya.
Sa bayan ng Cainta Rizal,nakilala si lola Evelina "Belina"Torres ng Brgy.San Isidro,Cainta Rizal 70 anyos.Dahil sa kanyang mabuting puso at pagiging maawain sa mas nangangailangan, kaya naisipan niyang tumulong sa kanyang mga kapitbahay.Dalawang linggo nadaw simula ng ipatupad ang lockdown pero wala padaw dumarating na mga relief goods sa kanilang Barangay, kung kayat naaawa na umano si lola lalo pat mga construction workers at mga pumapasada ng trycicle ang karamihan na nakatira sa kanilang lugar.Sa mga litratong pinost sa facebook ni Maritess Edroso nitong Lunes,kitang nag-aabot ang kanyang lola sa mga kapitbahay ng isang supot na may mga biskwit at sachet ng kape.Pinalaga pa umano ng lola niya ang mga natirang itlog para maibigay din.Ang mga pagkaing binibigay ni lola ay galing mismo sa kanyang mga paninda sa kanyang sari-sari store.
Sabi padaw ng lola niya,marami panaman daw silang stock ng pagkain,eh di tulong nalang.
Kuwento pa ni Maritess na ng hapon ding yon may dumating sa lugar na bigas at mga de lata mula sa lokal na pamahalaan ng Cainta.Ikinuwento din ni Marites sa kanyang lola na ibinahagi niya ang kwento sa social media.
"Sana maka-inspire ito sa iba na kung nakakaluwag ka naman,tulungan muna rin ang iba",ani Marites.

Source: Abs-Cbn News

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive