General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

London man-a cancer sufferer to be cured of HIV



Maynila- Myerkulis (March 10,) Isa sa pangalawang pasyente na ang gumaling sa HIV matapos sumailalim sa 'Stem transplant Procedure".Itoy ayon sa mga doktor nitong Martes, matapos diumano na walang makitang bakas ng impeksyon sa 30 buwan matapos na itoy tumigil sa tradisyonal na paggagamot.

Ang tinaguriang "London Patient" na may cancer ay galing sa Venezuela, at nakilala noong nakaraang taon matapos ang pagsusuri at pananaliksik ng University of Cambridge - ayon sa kanila wala silang matagpuan ng anumang bakas ng virus na sanhi ng AIDS sa dugo ng pasyente sa loob ng 18 buwan.

Ang nasabeng pasyente ay nakilala na si Adam Castillejo 40, na nasuri na may HIV noong 2003 at sumailalim sa gamutan hanggang 2012 kung saan siyay kinakitaan ng advanced Hodgkin's Lymphoma,o isang nakakamatay na cancer.

Si Castillejo ay pangalawang tao lamang na gumaling sa HIV matapos ng Amerikanong si Timothy Brown na kilalang "Berlin Patient".Ngunit ayon sa mga mananaliksik,hindi sa lahat ng pasyente ay umaakma ang nasabeng procedure, at kailangan umano ng maiging pagsusuri at pagsasaalang alang upang maiwasan ang mga kumplikasyon o anu paman.

Ayon kay Castillejo,ang kanyang karanasan ang nagtulak sa kanya upang isulong at kilalanin ang kanyang sarili, upang maiwasan ang pagkalat ng HIV sa ibang tao.Si Sharon Lewin HIV patient din ng University of Melbourne at miyembro ng International AIDS Society ang napukaw diumano ang atensyon dahil sa kaso ni Castillejo.

Ngunit ayon sa mga eksperto,palaging tatandaan na ang pagpapagaling sa mga taong may HIV sa pamamagitan ng transplant via bone marrow ay hindi laging tamang opsyon.Mahalaga diumano ang tamang pag-iingat at pag-iwas upang hindi mahawa sa ganitong sakit.


Source :
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive