General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Epektibong lunas para sa may bulate sa tiyan


Ang karamihan na may bulate ay ang mga Bata. Ang mga bulateng ito ay pwedeng matagpuan sa dumi ng tao, sa lupa at sa maduming paligid. Kapag ang isang batang may bulate ay dumumi at hindi naghugas ng kamay, pwede niyang maipasa ang bulate sa ibang bata. Kapag naghain siya ng pagkain, pwede itong mapunta sa ating kinakain.

Tatlong uri ng bulate sa Tiyan:
1.)Hookworm o Nectar Americanus
2.)Roundworm o Ascaris Lumbricoides
3.)Whioworm o Trichuris Trichiura

Senyales ng pagkakaroon ng bulate sa Tiyan:
1.)Madalas at matubig na pagtatae sa loob ng 2 linggo.
2.)Matinding pananakit ng sikmura
3.)Madaling pagkapagod ng katawan kahit pa may sapat naman na oras ng tulog.
4.)Matinding pangangati sa butas ng pwet kahit na wala naman itong sugat.
5.)Pamamayat

Mga paraan para makaiwas sa pagkakaroon ng bulate:
1.)Maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain at pagkagamit ng palikuran.
2.)Panatihing malinis ang paghahanda ng iyong pagkain. Hugasan ng maigi ang mga lulutuin.
3.)Gupitan ng maikli ang kuko ng mga bata. Madalas natatagpuan ang itlog ng bulate sa ilalim ng kuko.
4.)Laging magsuot ng tsinelas o sapatos. Ang hookworm ay pwedeng pumasok sa balat ng paa.
5.) Maglinis ng kapaligiran

Mga halamang gamot  na makakatulong sa pag-alis ng bulate sa tiyan:
1.)Luya.  Luya ay nagpapaganda ng daloy ng ating dugo, nagpapaganda sa ating panunaw, nakakagamot sa pagkahilo. Ito din ay nakakatulong sa pagsasaayos ng produksyon ng acid sa ating tiyan na dahilan para maiwasan ang pagkakaroon ng inspeksyon at mga nakakamatay na parasites.
2.)Bawang. Ang bawang ay isang uri ng natural na antibiotic at ito ay pumapatay ng 20 na uri ng bacteria at 60 uri ng fungus at iba't ibang uri ng mikrobyo. Pinapatay din nito ang mga parasites at nagkokontrol sa mga inpeksyon. Durugin ang bawang hanggang lumabas ang jatas  nito.
3.)Buto ng Pipino. Ang buto ng pipino ay nagtataglay ng enzymes na nakakatulong para maialis ang mga bulate sa ating digestive tract tulad ng tapeworm. Para gamitin ang buto ng pipino, durugin ang ang heirloom nito hanggang sa maging pulbos siya at kumuha ng isang kutsarita nito at ihalo ito sa tubig. Inumin it araw-araw.
4.)Papaya. Ang buto ng papaya ito ay  pumapatay sa  mga tapeworm at parasites. Kumuha ng buto ng papaya at durugin ito, kumuha ng isang kutsara na dinurog na buto ng papaya at ihalo ito sa langis ng niyog at sa gata ng niyog. Inumin ito araw-araw.



Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitue for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patienst shoudl always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive