General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Duterte meets Chinese envoy Wednesday - offers sympathy to China amidst covid-19 outbreak



Manila - Nitong Miyerkolis March 11,nakipagkita si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese Ambassador Huang Xilian upang talakayin ang mga hakbang na gagawin ng Pilipinas at Beijing upang kontrolin ang pagkalat ng novel coronavirus.

Sinabi ng Malacañang nitong Huwebes sa isang pahayag,na tiniyak ang kahandaan sa pagbibigay ng tulong ng China sa Pilipinas.Nagpaabot din umano ng pakikiisa si Huang sa pamahalaan ng Pilipinas sa pagsisikap nitong labanan ang pagdami ng apektado ng virus.Ayon pa sa malacañang, pinuri din umano ni Pangulong duterte si President Xi Jinping ng China sa kahandaan nito na mabigyang solusyon ang tumataas na kaso na covid-19 sa bansa.

Naganap ang pagpupulong isang araw bago nakatakdang masuri si Pangulong Duterte para sa covid-19 at ilang araw bago niya isailalim ang Pilipinas sa estadong public health emergency, upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.Nakiramay din umano si Duterte sa mataas na kaso ng coronavirus sa China.Ngunit sa kabila ng napakahigpit na pangangailangang medikal ng Pilipinas, sinabi ng Malacañang na nagbigay parin ang Pilipinas ng 52 kahon na mga medical supplies sa lungsod ng Wuhan kung saan nagmula ang nasabing virus.

Kinumpirma din ng palasyo noong Miyerkoles na umabot na sa 49 ang mga kaso ng sakit at dalawang katao na ang namatay.Sa buong mundo umabot na sa 124,000 ang apektado ng sakit at humigit kumulang sa 4,500 na bilang ng mga namatay.

Kinilala ng World Health Organization ang malawakang pagkalat ng covid-19 bilang pandemic dahil sa mga nakakaalarmang mga kaso ng pagdami at mabilis na pagtaas ng sakit na ito.


Source: ABS-CBN News
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive