General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Masamang epekto ng Pag-inom ng Sofdrinks o Soda


Nakasanayan na natin na pagkatapos kumain ay sasabayan ito ng pag-inom ng softdrinks. Lalo na kapag ito ay malamig at nagyeyelo. Nagdudulot ito ng satisfaction sa ating kinakain at kaagad kang magdidighay pagkatapos mong inumin. Ngunit sa kabila ng sarap at tamis ng softdrinks ay nagdudulot ito ng masamang epekto sa ating katawan. Ang isang taong regular na umiinom ng softdrinks ay mataas ang tyansang dapuan ng mga sakit.

Mga masamang epekto ng pag-inom ng softdrinks:
1.)Nakakataba - kahit mababa ito sa calories ay hindi parin ito makapapayat. Sa katunayan ay tataba ka pa sa pag-inom nito. Nasasanay kasi ang ating panlasa sa matatamis at hinahanap ng ating katawan.
2.)Nakakasira ng Ngipin - dahil ang softdrinks ay may sangkap na citric acid, nagiging marupok ang ating ngipin dahil nakababad ito sa acid.
3.)Nagdudulot ng diabetes - kapag uminom ng 1 o 2 lata o bote ng softdrinks, tataas ang tyansa na magkaroon ng diabetes. Pwede din makaapekto ang diet drinks sa buntis at sa dinadalang sanggol.
4.)Nakakasira ng Buto - may taglay na phosphorus at caffeine ang softdrinks na posibleng makabawas sa calcium ng ating buto. Pwede kang magkaroon ng osteoporosis.
5.)Problema sa bato o kidney - ang pag-inom ng softdrinks ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng UTI o impeksyon sa ihi ang isang tao. Ito rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakit sa bato ang mahilig uminom nito dahil mataas ang phosporic acid content ng mga ito.

Para maiwasan ang mga sakit na dulot ng pag-inom ng softdrinks ay maiging uminom na lang tubig. Kung ayaw mo ng lasa ng tubig, pwede naman uminom ng tsaa o lagyan ng kunting lemon o kalamansi ang tubig para magkalasa. Ang tubig ay sadyang malinis at healthy inumin.



Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitue for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patienst shoudl always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive