General Information and other helpful jobs


Maynila- Nag viral sa social media ang paalala ng isang ina para sa kaniyang mga anak na "magdahan dahan sa pagkain " ngayong nasa enhanced  community quarantine ang Luzon.

Ayon sa kwento ng isang Bayan Patroller,kinuhanan ng mga larawan ni Dabby Melgarejo ang mga kapansin pansing pinagdidikit na tila mga paalala ng asawa niyang si Ria sa pinto ng cabinet nila na mga munting paalala sa kanilang mga anak ng maghinay hinay sa pagkain .Nakailang balik na umano si Ria sa grocery store at wala narin daw silang pambili ng pagkain.Aniya,"hindi paman daw nagsisimula ang lockdown eh ubos na ang pagkain nila".

Pagbibiro pa ng ina nasi Ria,"community quarantine" ang tawag sa kanilang pinagdadaanan at hindi "community picnic".

Ayon kay Melgarejo kailangan na talaga nilang magtabi ng pagkain lalot nasa community quarantine narin ang Kalibo Aklan.Tawang tawa lang umano si Melgarejo sa mga pinagdidikit ng asawa niya kaya naisipan niyang kunan ito ng mga larawan.

Aniya totoong mabilis ngang maubos ang stock nila na biscuits,pancit canton at mga sitsirya.
Kwento pa ni Melgarejo,hindi niya akalain na maraming matutuwa sa kanyang post sa katunayan umabot na umano sa 1,200 reactions at 12,000 shares ang nasabing post kahapon.

Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive