General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Mayor of Kawit Cavite had been rejected by San Pedro Medical Center after bringing two suspected COVID-19 case


Mayor Angelo Aguinaldo of Kawit Cavite had been rejected by the management of San Pedro Calungsod Medical Center after bring two suspected of cases of COVID-19 to their hospital yesterday, March 14, 2020.

According to the statement of the Mayor:

“Nakakalungkot po na habang tayo sa munisipyo ng Kawit ay nagsisikap para masigurong ligtas ang ating bayan. Ngayong araw, isang ospital sa Kawit ang tumangging mag-confine sa dalawang pasyenteng nakikitaan ng sintomas ng coronavirus disease (COVID-19). Dalawang oras na naghintay si Dra. Pulido kasama ng mga medical staff ng Kawit RHU sa San Pedro Calungsod Medical Center, Inc. (SPCMC) para ma-process ang admission ng dalawang pasyente at nang mabigyan ng mas maayos na atensyon. Gusto sana nating mai-admit sila sa mas malaking ospital na may quarantine facility. Ngunit, tinanggihan pa rin nila ito.

Hindi ako sold sa sinabi nilang “walang kwarto”. Dahil sa idineklarang State of Public Health Emergency, dapat ay may nakalaan na silang kwarto para sa ganitong mga kaso alinsunod na rin sa utos ng Department of Health para sa mga pasyenteng nagpapakita ng sintomas ng COVID-19. Sinabi rin ng naka-duty na doctor na pupunta ang kanilang presidente para magdesisyon. Edi, mayroon ngang bakante ngunit ayaw nilang ipagamit sa kasama naming pasyente. ANO BA TALAGA? Dagdag pa rito, ang pag-refuse na mag-confine po ng mga ospital na nasa Level 2 at Level 3 accreditation ng Philhealth ay isa pong paglabag sa pinirmahan nilang Performance Commitment. Karapatan ng ating mga kababayan na mai-admit sa ospital na may maayos na facility.

Bilang alkalde, ako ay nanlulumo sa ganitong pagtrato sa ating mga kababayan. Paano po ba natin masosolusyonan ang pagkalat ng COVID-19 sa ating bayan, kung hindi po nakikipagtulungan ang ilan sa mga ospital sa ating bayan gaya ng San Pedro Calungsod Medical Center?

Hindi ko po maatim na habang ang pasyenteng may sakit at nanghihina, walang atensyong medikal ang naibibigay. Sa dalawang oras na pakikiusap ni Dra. Claudette, walang pusong tinanggihan pa rin ito. At kahit na ako na mismo ang pumunta para makiusap na makipagtulungan, ay wala man lang aksyon at para bang itinataboy pa kami.

Alam ko po na isang malaking hamon ang paglaban natin sa COVID-19. Kaya hindi po natin palalampasin ang pangyayaring ito na pagpa-power play ng mga ospital lalo na kung may kakayanan naman silang tumanggap ng pasyente. Kapag may mga kaso ng ganitong pagtanggi, mula sa kahit alinmang ospital sa Kawit, maaaring ipagbigay-alam po ninyo sa aming tanggapan.

HINDI PO ITO TAMA! AT KAILANGANG MAY MANAGOT SA PANGYAYARING ITO.”
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive