General Information and other helpful jobs

McDonald Philippines has released worth of 500 million pesos to help employees and the communities



Nitong Biyernes (March 20) sinabi ng Golden Arches Development Corp. o mas kilalang McDonald's Philippines na mayroon itong inihiwalay na worth of half a billion pesos para magamit bilang financial assistance para sa kanilang mga empleyado at sa mga pinakamalapit na komunidad na kung saan makikita ang kanilang mga stores.

Sa isang pahayag, pinangunahan ni George Yang  ang McDonald's Philippines na ipahayag ang paglalabas ng isang response fund ng P500 million pesos upang paganahin ang company na magbigay ng tulong para sa mga empleyado at pamayanan na pinaglilingkuran nito.

Ayon sa may hawak ng Master franchise ng McDonald ang sitwasyon sa Covid-19 ay nananatiling hindi tiyak.

Ang pondo ay sagot sa malawak na enhanced community quarantine na sa kasalukuyang ipinatutupad sa buong Luzon na pumipigil sa sakit na coronavirus 2019 (Covid-19).

Para sa mga empleyado ng kumpanya, sinabi ng McDonald's Philippines na ang mga pondo ay sumasaklaw sa mga sumusunod:

- Ang mga Managers at Restaurant Crew na walang kakayahan na makapasok at makarating sa kanilang trabaho at ang mga sahod ng mga empleyado ng head office na inilabas para sa panahon ng quarantine.

- Ang isang special premium pay package ay ibibigay para sa mga managers at crew na maaaring magtrabaho sa mga napiling stores na nananatiling nakabukas para mapagsilbihan ang komunidad sa mga enhanced quarantine na lugar.

- Mga Special benefits gaya ng pagbibigay ng mga care kit na may laman na face masks, alcohol, at vitamins para masiguro ang kaligtasan ng mga empleyado sa lugar ng trabaho pati na rin ang probisyon para sa premium pay.

Para sa mga komunidad, sinabi ng McDonalds Philippines na ang pondo ay sumasaklaw sa pagkain na ibibigay ng kumpanya para sa mga front liner tulad ng mga health workers, mga LGU workers, mga NGO volunteers, at ang marginalized sector na hinamon na magkaroon ng access sa pagkain sa panahon na iyon.

Ayon kay Yang sinabi niya na sa gitna ng anumang krisis, dapat na mauna ang mga tao at  ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matiyak ang kapakanan ng mga ito. Sinabi din niya na may pananagutan din sila sa kanilang mga kasosyo upang masiguro na maaari silang magpatuloy sa pagnenegosyo at maalagaan ang kanilang sariling mga tao. At sa wakas, bilang isang Filipino company may tungkulin silang maging katuwang ng gobyerno sa paglilingkod sa publiko sa anumang paraan.



Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive