General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Mga uri ng sakit sa tainga


Karamihan sa mga tao ay nakakaranas ng sakit sa tenga. Maaaring nanigas ng tutuli, pananakit o umuugong na tenga. Kahit anu pa man ang iba't ibang uri ng sakit sa tenga ang dumapo sayo kailangan hindi ito ipagsawalang bahala, dapat mong malaman kung ano ang dapat gawin para malunasan ito, kaya mainam na ipangkonsulta sa doktor.

Tatlong pangkaraniwang sakit sa tainga ay:
1.)Swimmer's Ears.
 Ang swimmer's ears ay isang mga uri ng sakit sa tenga na sanhi ng impeksyon sa labas na bahagi ng tenga dahil sa bacteria o fungi. Ito at nakukuha sa pamamagitan ng paglangoy sa maruming tubig. Ang swimmer's ears ay nagsisimula sa pangangati ng panglabas na bahagi at susundan ng pananakit ng tenga. Habang tumatagal, magkakaroon ito ng amoy na likido na lalabas sa tenga, ito ay palatandaan ng matinding impeksyon.

Para maiwasan ang swimmer's ear dapat pumili ng malinis na paliguan. Gumamit ng ear plug o pantakip sa tenga para hindi mapasok ng tubig ang tenga mo kung ikaw ay lumalangoy at bago lumangoy, patakan ng kaunting baby oil ang magkabilang tenga.

2.)Earwax o Tutuli.
Isa sa pangkaraniwang mga uri ng sakit sa tenga ay ang nanigas na tutuli. Ang tutuli ay maraming uri may tuyo maputing tutuli, malapot, basa at yellow orange na tutuli. Ang tutuli ay dinisenyo para protektahan ang mga eardrum laban sa alikabok at dumi. Nagagawa ng tutuli ang gawain na salain ang anumang dumi at kusa na lamang ito lumalabas kung ito ay tuyo na.

Mga paraan para matanggal ang nanigas na tutuli:
*Patakan ng kaunting mineral o baby oil ang loob ng tenga. Huwag gagawin ito kung sa tingin mo ay may butas ang iyong eardrum.
*Mahiga ng nakatagilid sa loob ng 20 minuto para lumambot ang tutuli. Gawin ito ng dalawang beses kada araw sa loob ng 3 araw. Kadalasan ang tutuli ay lalambot na Lang kusa.
*Kung hindi matanggal ang tutuli, kumunsulta sa doktor sa ENT para siya ang mag-alis ng tutuli.

3.)Otitis Media o Luga
Ang otitis media o luga ay isang pangkaraniwang sakit ng mga Bata, lalo na kung sila ay may sipon, problema sa sinus o allergy. Ang tubo na kumokonekta sa tenga at ilong ay mas maiksi ngunit mas malapad sa mga Bata, kaya ang sipon na nasa ilong ay madaling mapunta sa tenga ng mga bata na pinagmumulan ng impeksyon.
Ang batang may luga ay nakakaranas ng pananakit ng tenga, lagnat o mahinang pandinig. Sa may seryosong kondisyon, ang eardrum ay pwedeng mabutas kaya lalabas ang madilaw na fluid na nagmumula sa loob ng tenga.




Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitue for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patienst shoudl always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive