General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Myanmar women donate their hair to Filipinos with cancer




Sa isang event na isinagawa ng Philippine Embassy sa Yangon, mahigit 70 Myanmar women ang nagbigay ng kanilang mga buhok para sa mga cancer patients sa Pilipinas.

Pinamagatan ang event na "Donate Your Hair Because You Care". Ito ay ini-organized ng Philippines Embassy sa pakikipagtulungan kasama ang Fancy House Academy. Ang event na ito ay ginawa para sa paggunita sa Philippine National Cancer Awareness Month.

Nagsimula ang proyekto nang ang isang babaeng taga-Myanmar na nangangalang  Ei Ei Aung, na isa ding tapat na tagapagtaguyod at sumusuporta para sa mga pasyente ng cancer, ay humingi ng tulong sa Embahada upang maibigay ang kanyang buhok sa mga pasyente ng Makati Medical Center.

Ang gawain na ito ang nakapagbigay inspirasyon sa Embahada upang gumawa ng isang event para sa parehong layunin.

Sa panahon ng event nagbigay ng libreng gupit ang Fancy House Academy para sa mga donor, kung saan 57 na kababaihan ang pinutol ang kanilang mga buhok. Samantala, ang labing-apat pang iba  na dumating ay  may buhok ng dala para sa donasyon.

Sa event din na iyon ang Embahada ay kailangang makakolekta ng 71 pockets ng hindi bababa sa 9 inches ng buhok. At lahat ng maiipon na buhok ay dadalhin sa Cancer Center of Makati Medical Center

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive