General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Nearly 16,000 people who arrived to Taiwan this March were advised to self-quarantine


TAIPEI - Kahapon (March 18), inihayag ng CECC na tinatayang mayroong 16,000 katao ang dumating sa Taiwan mula sa 27 na mga bansang European, Egypt, Turkey, at Dubai sa pagitan ng Marso 5 at 14 na ngayon ay kailangan na mag-self-quarantine sa bahay sa loob ng 14 na araw, kasama ang mga nakikipagtulungan na karapat-dapat para sa kabayaran.

Matapos ang isang mabilis na pagtaas sa bilang ng mga na-import na mga kaso ng COVID-19, inihayag ng CECC noong Martes (Marso 17) na magsasagawa ito ng malawak na pag-screen ng mga nanggaling sa Europa kamakailan lang na kasalukuyang hot spot para sa epidemya, iniulat ito ng CNA.  Noong Miyerkules, inihayag ng command center ang isang bagong hakbang upang masubaybayan ang travel history ng mga tao.

Sinabi ng head ng CECC na si Chen Shih-chung na ang sentro ng Taiwan ay mayroong listahan ng bawat dumadating mula sa 27 na mga bansang Europa pati na rin ang Dubai, Egypt, at Turkey mula March 3 hanggang 14. Ang mga nag-uulat sa kanilang lokal na pamahalaan ng kanilang sariling pagsang-ayon ay gagantimpalaan ng quarantine compensation habang ang mga nagsisinungaling tungkol sa kanilang travel history ay parurusahan.

Sinabi niya na ang mga hindi kusang nagsasabi sa mga awtoridad para sa home quarantine ay mai-disqualify na makatanggap ng sahod.

Ang 27 European na bansa ay kinabibilangan ng mga France, Germany, Spain, Austria, Portugal, the Netherlands, Belgium, Luxembourg, Denmark, Finland, Sweden, Slovakia, Slovenia, Poland, Czech Republic, Hungary, Greece, Malta, Estonia, Latvia, Lithuania, Iceland, Norway, Switzerland, Liechtenstein, the United Kingdom, and Ireland.

Ayon sa Deputy Minister of the Interior na si Chen Tsung-yen, tinukoy nito ang mga istatistika na nagpapakita na halos 16,000 katao ang pumasok sa Taiwan ng mga panahon na iyon na nagmula sa 27 na European countries kabilang ang Egypt, Dubai at Turkey. At dahil dito hiniling nito na mag-report para sa home quarantine sa pamamagitan ng pagtawag sa numerong 1999 o kaya bumisita sa website ng Ministry of Interior ng bansa or city government.

Pagdating sa pagsusuri sinabi ni CDC Director-General Chou Jih-Haw na anumang bansa ang pinanggagalingan ng mga tao na bumiyahe susuriin pa rin sila para sa nasabing sakit kung sila ay present sa mga sintomas o kaya naman irerekomenda ng isang physician na gawin ito, ayon ito sa ulat.

Dagdag pa niya na ang pagsusuri ay i-aapply lamang sa may mga sintomas o sa may mga dalang panganib na nahawahan ng virus at sa mga kasalukuyan na hindi masuri ang bawat mamamayan ng mga sandaling iyon, gaya na lamang ng mga false negatives na maaaring maging problemado para sa mga mayroong virus ngunit ito ay asymptomatic.

Source: Taiwan News
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive