General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

New Zealand called Taiwan "quite successful" for its COVID-19 prevention



Ayon kay New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern nitong Linggo (March 15), na ang Pacific nation ay halos gayahin ang ginawa ng Taiwan bilang isang modelo kung paano nila labanan ang Wuhan coronavirus (COVID-19).

Sa isang interview sa talk radio network Newstalk ZB, sinabi ni Ardern na ang bansa ay nagbabawal ng pampublikong pagtitipon na 500 katao o higit pa. Kasama narin ang music festivals o mga events na pedeng maakit ang karamihang tao. Ayon din sa kanya na ang New Zealand government ay naghahanap sa iba't ibang bansa ng ideya kung paano nila ihandle ang virus.

Sinabi din ni Ardern na ang gobyerno ay halos tularin ang Taiwan sa pagkansela ng educational institution at mga malakihang pagtitipon. Tinawag nila ang mga Taiwanese na "quite successful."

Binigyan diin ng Prime Minister na ang social distancing ay gawing normal at sundin ang batas para sa kaligtasan ng lahat. Magkakaroon din sila ng "zero tolerance" sa mga turista na lumabag sa 14 days quarantine pagdating sa bansang New Zealand.


Share:

No comments:

Post a comment

Blog Archive

Loading...