General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Next 14 days, Taiwan will be in critical state to combat COVID-19, says President Tsai



Ngayong araw ng Huwebes, Marso 19, 2020. Mula sa Presidential Building ng Taiwan. Pangulong Tsai Ing-wen umapela sa Publiko na maging mahinahon sa gitna ng pagdoble ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Ayon sa kanya ang susunod na labing apat na araw ay magiging kritikal dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19 sa buong mundo. Umapela siya sa publiko na makipagtulungan at maging mahinahon, dahil ang susunod na hakbang ng gobyerno laban sa COVID-19 ay kakailanganin ang kooperasyon ng bawat isa.

Ayon sa Pangulo, ang unang dalawang buwan simula ng pumutok ang unang COVID-19 ay naging matagumpay ang bansang Taiwan upang supilin ang pagkalat ng sakit ngunit sa susunod na labing apat na araw ay magiging kritikal upang maiwasan ang "community level of transmission" ng sakit na COVID-19.



Umapela ang pangulo na sundin ang tatlong hakbang upang matulungan ang gobyerno na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa "Community Level,"

Una, umapela ang Pangulo na sundin ang Central Epidemic Command Center's (CECC) epidemic prevention guidelines.

Pangalawa, umapela siya na huwag isisi ang COVID-19 outbreak sa iba kundi magpasalamat sa mga sakripisyo na binigay ng mga medical personnel, manufacturers ng protective supplies, at ang mga nasa home quarantine at self-health management guidelines.

Pangatlo, nakikiusap siya sa publiko na huwag gumawa ng bagay na magbibigay panic sa mga tao. Ayon sa pangulo tulungan nalang ang gobyerno na maihatid ang tamang impormasyon sa publiko.

Nilinaw rin ng Pangulo na may sapat na suplay ang bansa kaya umapela siya sa publiko na huwag mag-panic buying. Nagbigay rin siya ng babala sa mga mahuhuling nag-hoarding at nagbebenta sa mataas na presyo.

"if people are found hoarding supplies or manipulating prices, they will face heavy fines." matapang na pahayag ni President Tsai Ing-wen.

Sa ngayon ay mas lalong hinigpitan ng Taiwan ang kanilang mga "boarders" at nagpatupad ng Travel  Alert Level 3 sa mahigit isandaang mga bansa. Inatasan na rin ang mga employers ng mga Foreign Workers gawin ang mga nararapat na hakbang upang protektahan ang kapakanan ng mga manggagawa.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive