General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

NT$1 Million fine awaits for an under quarantined who will take public transport


Sa gitna ng mabilis na pagkalat ng COVID-19, bansang Taiwan magpapatupad ng mahigpit na panuntunan hinggil sa mga darating na pasahero sa bansa na sasailalim sa 14 days quarantine period. 

Base sa bagong regulasyon, simula ngayong Myerkules, ang sino mang nasa "under 14 days quarantined period" at mahuhuling sumakay ng Public Transport o taxi na hindi “designated” ng gobyerno ay maaring mag multa ng hindi baba sa NT$1 Million. Nakapaloob dito na sa loob ng 14 days period ay bawal sumakay ng pampublikong sasakyan ang sinumang sasailalim sa "self quarantine period."

Matatandaang nagsagawa ng “dry run” ang gobyerno sa loob ng isang linggo at lumabas sa pag-aaral na 750 lamang ang sumakay dito mula sa mga bansa na “under third level travel warning” gaya ng pasahero mula sa China, Hong Kong, Macau, South Korea, Italy at Iran.

Sa ngayon ang gobyerno ay naglaan ng taxi sa mga paliparan para ihatid ang sinumang sasailalim sa 14 days quarantine period. Sa Taipei Songshan International Airport ay mayroong 1,200 taxi at 600 sa Taoyuan International Airport. Samantalang 413 naman ang sa Kaohsiung International Airport ayon sa Ministry of Transportation and Communications (MOTC) ng Taiwan.

Kaya paalala ng gobyerno, kung walang sariling sasakyan o susundo ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagsakay sa mga pampublikong sasakyan.
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive