General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

OFW’s are advise to get a flight to Clark or other airports if the destination is outside Metro Manila


Dahil sa ipapatupad na community quarantine sa buong Metro Manila simula March 15, ang lahat ng mga OFW na uuwi ng Pilipinas na hindi naman nakatira sa Manila ay pinapayuhan na kumuha ng flight sa pamamagitan ng Clark, Pampanga or sa iba pang mga airports upang hindi sila maapektuhan ng nasabing community quarantined na tatagal sa loob ng isang buwan o hanggang April 14, 2020.

Ayon sa sinabi sa press conference ni Cabinet Sec. Karlo Nograles nitong March 13 na ang mga OFW's na may schedule na umalis sa Ninoy Aquino International Airport  ay kakailanganin na munang mag-stay sa Metro Manila or sa ibang mga lugar na parte ng NCR dahil sa isasagawa na community quarantine. Dahil dito ang lahat ng mga domestic, air, at land transport na mula sa NCR ay sususpendihin mula March 15 to April 14 na batay sa pag-aaral ng inter-agency task force.

Ang pagpapatupad ng community quarantine ay inanunsyo ni Philippine Pres. Rodrigo Duterte noong March 12 bilang hakbang upang maiwasan ang lumalagong pagkalat ng COVID-19 virus sa bansa.

Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay mayroon ng kabuuang 111 katao na nakumpirmang kaso na na-infect ng COVID-19 at 8 dito ay namatay na. 

Ayon din sa sinabi ni Nograles mananatiling bukas ang NAIA para sa mga international flight, ngunit ang mga  inbound at outbound passengers na darating at aalis ay pansamantalang titigil sa Metro Manila. At ang sinumang kailangang pumunta sa province ay maaaring lumipad sa pamamagitan ng Clark International Airport at iba pang mga paliparan sa labas ng Metro Manila.

Dagdag pa niya na ang lahat ng Pilipino na darating sa bansa ay sasailalim sa 14 days mandatory quarantine kahit na anumang paliparan ang pinanggalingan nito. 



Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive