General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

One employee of a company in Hsinchu has confirmed positive of COVID-19




Kumpirmado isa sa walong nagpositibo sa COVID-19 ngayong araw ng Lunes ay nagtatrabaho sa Taiyuen Hi-Tech Industrial Park sa Zhubei City, Hsinchu County.

Ayon sa aming source ang empleyado na nagpositibo ay isang Taiwanese at Engineer sa isang kumpanya.

Matatandaang ngayong Lunes ng hapon , Marso 16, 2020 ay nagtala ng maraming kaso ng COVID-19 ang bansang Taiwan. Ayon kay Health Minister and CECC head Chen Shih-chung, umabot sa 8 ang bagong bilang ng nahawaan ng COVID-19 at pawang bumiyahe sa labas ng bansa.

Ang ika-60 ay bumiyahe sa Italy, Germany, Spain, at Greece. Samantala ang ika-61 na kaso ay bumiyahe sa Czech Republic.

Ang ika-62 nilang kaso ay bumiyahe galing sa Pilipinas. At ang 63,64 ay pawang bumiyahe sa Egypt. Samantala ang ika-65,66,67 ay pawang bumiyahe mula sa Turkey.

Sa ngayon ay nasa 67 na ang kabuuang bilang ng may COVID-19 sa Taiwan.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive