General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

One out of 23 new case of COVID-19 is from Miaoli County



Kahapon ng Miyerkules, Marso 18, 2020 ay biglang tumaas ang bilang ng may COVID-19 sa Taiwan. Pumalo sa 100 kabuuang bilang ng nahawaan ng sakit. Ito'y kinumpirma sa ginawang pag-uulat ng CECC Taiwan.

Umabot sa 23 ang bagong kaso naitala kahapon at 21 dito ay pawang bumiyahe sa ibat-ibang bansa. At dalawa dito ay "locally transmitted disease."

 Ayon sa ulat, isa sa 23 na nagpositibo ay Taiwanes at nakatira sa Miaoli County. At naitala rin kahapon ang pinakabatang nahawaan ng COVID-19 sa edad na 20. Kaya lalong nilawakan ng Taiwan ang sakop ng Travel Alert level 3 sa mga bansang Japan, Pilipinas at dalwang estado ng Amerika kasama na dito ang naunang 42 na bansa na karamihan ay sa mga bansang Europa.

Lahat ng mga bansang nasa listahan ng Travel Alert Level3 ng Taiwan ay sasailalim sa "Mandatory 14 days quarantine" at mula sa paglapag ay sasahaman ng "Government Professional Health Workers" hanggang makarating sa pasilidad na paglalagyan nila sa loob ng labing apat na araw.

Sa ngayon ay nasa 22 na ang bilang ng mga gumaling sa sakit ng COVID-19 out of 100 at isa ang bilang ng namatay. Sa kabuuan ay nasa 100 katao na ang nahawaan ng COVID-19 sa Taiwan.

 

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive