General Information and other helpful jobs

"I am patient 194" Dr. Torres shares her battle against COVID-19



Isang doctor na nagpositibo sa COVID-19 ang nagpahayag ng damdamin sa kanyang post sa facebook habang nakaquarantine.

Dr. Grace Caras-Torres, an active consultant sa St. Luke's Medical Center ang nagbunyag na sya ang PH194 at nagkwento tungkol sa kanyang sakit.

Sinabi ng doctor na nakaranas sya ng paulit-ulit na mataas na lagnat, sakit ng ulo, at sakit ng katawan. Sa ngayon ang kondisyon niya ay lalong lumalala.

Nasabi ng doctor na "Ngayon lang ako natakot. Napaiyak ako. Hindi pa ako handang mamatay. Kailangan pa ako ng anak ko. Sasabak pa ako sa gyera."

Ang nasa isip niya ay ang kanyang 4-year-old na anak at ang senior citizen na magulang, na naexposed niya sa sakit.

Ayon sa doctor, na di baleng sya nalang at wag lang pamilya niya. Nag-birthday sya ng nakaquarantine at umabot sa 42-year-old.

Hindi lang daw virus ang kalaban niya, pati ang katinuan ng pag-iisip. Sinabi niya na kamustahin ang mga kakilala na nakaquarantine at may sakit. Kailangan nila ng pampalakas ng loob.


Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive