General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Patients who survive from coronavirus may have left a 20 - 30 percent less lung function



Ayon sa natuklasan ng mga doctors sa Hongkong, ang mga tao na gumaling mula sa pagkaka-infect sa sakit na coronavirus ay maaari pa ring iwanang may permanenteng pinsala sa baga.

Pinag-aralan ng Hong Kong Hospital Authority ang unang wave ng mga pasyente na pinalabas mula sa ospital matapos na tuluyan itong gumaling mula sa COVID-19.

Mula sa 12 katao sa grupo, nasa dalawa hanggang tatlo ang nakitaan ng pagbabago sa kapasidad ng kanilang mga baga.

Sinabi ni Owen Tsang Tak-yin, isang medical director ng authority's Infectious Disease Centre sa South China Morning Post na huminahon ang mga pasyente kung ito ay naglalakad ng mabilis. Dagdag pa niya na maaaring magkaroon ng halos isang drop ng 20 to 30 percent sa lung function ang ilang mga pasyente.

Mula sa mga CT scans ng siyam na mga pasyente na gumaling sa COVID-19 sa isang hospital sa Hongkong ipinakita ng mga ito na ang pattern ay kaparehas sa isang nagyeyelong baso na kung saan isina-suggest nito na mayroong pinsala sa organ.

Samantala, ang Faculty of Intensive Care Medicine (FICM) ng United Kingdom ay sinabi na ang iba pang mga pasyente ay maaaring maibalik ang tila normal na lung function matapos ang anim na buwan, habang ang ilang mga tao naman ay maaaring tumagal ng 15 taon para sa kanilang mga baga upang ito ay gumaling.

Gayunpaman, tiniyak ni Tsang na ang mga nakaligtas ay maaaring gawin ang mga pagsasanay sa cardiovascular, tulad ng paglangoy, upang mapabuti ang kanilang kapasidad sa baga nang unti-unti.

Ang mga pasyente ng COVID-19 ay ginagamot sa pamamagitan ng Kaletra, ito ay isang gamot na original para sa HIV /AIDS. Ginagamit din para sa Hepatitis C at interferon ang Ribavirin, ayon ito sa ulat ng South China Morning post


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive