General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Philippines confirmed cased of COVID-19 jumped to 52



Bilang ng may COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa 52 at 5 na ang namamatay. Ito'y ayon sa Department of Health.

Ang ika-50 na kaso ay isang ginang na nasa edad 69 at walang Travel History palabas ng bansa at nakitaan ng sintomas noong Marso 8, 2020 at nagpositibo sa resulta kahapon Marso 11, 2020. At kasalukuyang naka-confined sa Medical City at residente ng Quezon City.

Ang ika-51 na kaso naman ay isang lalaki na nasa edad 26 at walang Travel History palabas ng bansa. Nakitaan ng sintomas noong Pebrero 28, 2020 at nagpositibo sa isinagawang ulit na pagsusuri kahapon ng Marso 11, 2020. At kasalukuyang naka-confined sa Makati Medical Center at residente ng Quezon City.

Ang ika-52 kaso naman ay isang ginang na nasa edad 79 mula sa biyahe sa United Kingdom, Marso 1, 2020 ng makitaan ng sintomas at nagpositibo sa isinagawang pagsusuri kahapon Marso 11, 2020. At kasalukuyang naka-confined sa Asian Hospital and Medical Center.

Sa ngayon ay umabot na 52 ang kabuuang bilang ng may COVID-19 sa Pilipinas at 5 ang binawian ng buhay.
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive