General Information and other helpful jobs

Philippines confirms 15 new cases of COVID-19, total of 217



Sa report ng CNN Philippines nitong March 19, Huwebes ng hapon, nakumpirma na nadagdagan na naman ng 15 bagong kaso ng coronavirus (COVID-19) sa bansa, sa kabuuang 217 na ang nagpositibo sa sakit.

Ayon sa Department of Health, isang pasyente naman ang gumaling mula sa sakit na COVID-19. Siya ay 48-year-old Filipinong lalaki mula sa probinsya ng Cavite na nagtravel sa Japan. Nadischarge sa Research Institute of Tropical Medicine pagkatapos magnegative ang test ng dalawang beses sa COVID-19. Pang 8 pasyente na siya na gumaling sa bansa.

Samantala 17 parin ang bilang na namatay dahil sa COVID-19. Worldwide ay mahigit 8,800 katao na ang namatay, na kalimitan ay sa China. Mahigit 218,000 naman ang infected.

Sinabi ng World Health Organization na kalimitan sintomas ng sakit ay fever, dry cough at shortness of breath.

Para maiwasan ang sakit, ang authorities ay hinihimok ang mga tao na ugaliing maghugas ng kamay, magtakip ng bibig at ilong kapag uubo o babahing at wag magkaroon ng close contact sa may mga virus symptoms.


Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive