General Information and other helpful jobs

Public school teacher was arrested due to inciting sedition


General Santos-Philippines (March 29, 2020) - Inaresto ang isang public school teacher sa General Santos, Davao dahil sa post niya sa social media.

Biyernes nang gabi ng hulihin ng mga awtoridad ang isang guro sa kasong  inciting sedition dahil sa post niya sa social media matapos na dumulog sa kanila ang City legal officer ng Gensan ito ay ayon sa pahayag ni Police Major Dofiles ng Regional Anti-Cybercrime Unit o RACU12.

Dagdag pa niya pasok ang guro sa anti-cybercrime mandate dahil sa post niya sa social media na nanghihikayat ng mga tao upang sumugod sa kanilang gym at kunin ang mga relief goods doon. Ang pinagbasihan nila upang sampahan ang guro ng anti-cybercrime ay hingil sa ebalwasyon ni Atty. Arman Clarin. Ang post ng guro ay maaring magdulot ng kaguluhan sa kanyang panghihimok ng mga tao.

Inamin din ng guro na pagmamay-ari niya ang account sa nasabing social media. Dahil dito inaresto ang guro kahit walang warrant of arrest dahil sa naturang insedente. Inaresto rin ang anak ng guro sapagkat pumalag ito sa mga awtoridad na hulihin ang kanyang ina.

Sa ngayon ay nakaospital arrest ang guro matapos nitong sumama ang ang pakiramd at isugod sa ospital.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive