General Information and other helpful jobs

Singapore donating COVID-19 testing kits, PCR machine for Philippines


Ayon sa report ng ABS-CBN news, sinabi nitong Sunday (March 22) ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., na ang Singapore ay nagpadala sa Pilipinas  ng 3,000 test kits at isang polymerase chain reaction (PCR) machine para sa novel coronavirus detection. Hindi naman niya sinabi kung kailan ito darating sa Manila.

Ang gobyerno ng Pilipinas ay naghahanap ng solusyon upang magkaroon ng supply ng test kits, masks, at protective equipment para sa tumataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagmula sa Chinese City ng Wuhan noong December 2019.

Nitong Sabado ay dumating na sa Manila ang donasyon ng China na 100,000 COVID-19 test kits, 100,000 surgical masks, 10,000 N95 masks at 10,000 sets ng personal protective equipment.

Ayon sa Health Authorities nitong Linggo, ang Pilipinas ay mayroon ng 380 kaso ng COVID-19 at 25 na katao ang namatay.

Pinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Luzon ay under lockdown hanggang April 12 upang di na lumaganap ang sakit.


Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive