General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Spain has climbed to 3rd spot among countries with COVID-19 and has a total of 7,753 confirmed cases





Sa ulat ng health official ng Spain kahapon(March 16) ang bilang ng mga tao na dinapuan ng nakamamatay na COVID-19 virus sa nasabing bansa ay tumaas na bilang pangatlo dahil sa 7,753 confirmed cases ng virus at sa mahigit 100 katao na namatay. Ang mga datus na ito ay naitala lamang sa loob ng 24 hours.

Ang pinakabagong spike sa Europa bilang ikalawa sa pinakanaapektuhan na bansa matapos ang Italy ipinatupad ng Spanish government ang isang utos na i-lockdown ang buong bansa, pagbawalan na munang lumabas at umalis ang mga tao maliban na lamang kung ito ay papasok sa work, kung bibili ng food or regarding lamang sa mga medical care.

Mula sa 183 umakyat na sa 288 ang naitatalang namatay sa Spain ng dahil sa coronavirus. At ang kabuuang kaso ay umabot na sa 7,753 mula sa 5,753.

Ang asawa ng Prime Minister ng Spain na si Pedro Sanchez ay isa sa mga nasuri na positibo sa COVID-19. Natuklasan ito noong Sabado matapos na mai-announced nito ang lockdown sa bansa.

Ayon sa statement ng gobyerno, ang mag-asawang sina Begona Gomez ay kasalukuyang maayos na at nanatili lamang sila sa kanilang tirahan matapos sundin ang mga bagong hakbang na ipinakilala ng mga health authorities.

Ang mga hakbang ay ipinakilala bilang bahagi ng 15 days state of emergency na opisyal na idineklara ng gobyerno noong Sabado.

Ito ang ikalawang beses na pinukaw ito ng gobyerno mula pa ng bumalik sa bansa ang demokrasya na sinundan ng pagkamatay ng Dictator na si Francisco Franco noong 1975.

Ang iba pang panahon ay noong 2010 ng magwelga ang mga air traffic controllers.

Last Friday, binalaan ni Sanchez ang Spain na maaaring umabot sa 10,000 ang kabuuang infections ng virus sa mga darating pang mga araw.



Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive