General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Spain recorded 832 new deaths of COVID-19, total 5,600


Bansang Espanya pumangalawa sa buong mundo na may pinakamaraming namamatay. Ngayong araw ng Sabado oras sa Espanya ay umabot sa 832 ang namatay sa COVID-19 kung saan pumangalawa sa bansang Italya na umabot sa mahigit 900 ang namatay kahapon.

Sa kabuuan ay umabot na sa 5,600 ang namamatay sa Espanya matapos umabot sa 832 ang namatay sa loob lamang ng 24 oras. Tumaas naman sa 72,248 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa kanilang bansa. Bumilis ang paglubo ng bilang matapos dumami ang testing center sa bansa nila.

Ang Madrid na lubhang natamaan sa sakit ay nagtala ng 2,757 na kabuuang bilang at 21,520 na nagpositibo sa lungsod. Kaya plano ng lokal na pamahalaan ng Madrid na buksan ang mga hindi ginagamit na mga gusali malapit sa kanilang paliparan para paglagakan ng mga namatay sa sakit.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive