General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Steam Inhalation mabisang paraan para matanggal ang Sipon, Ubo at Trangkaso


Malaki ang tulong ng steam inhalation o paglanghap ng usok mula sa mainit na tubig. May taglay itong water vapor na nakakatulong sa baradong ilong, sipon, ubo, at sinususin. Ang steam ay nagpapaluwag ng baradong ilong. May tulong din ang steam inhalation sa may trangkaso, allergy, hika at pulmonya.

Paraan ng Steam Inhalation:
1.) Magpakulo ng 2 litrong tubig sa isang kaldero.
2.)Kapag kumulo na, isalin sa palangganang aluminum huwag plastic.
3.)Maghintay ng 10 minuto para palamigin ng bahagya ang tubig, baka mapaso ka kung sobrang init. Per kailangan na mainit pa ang tubig para may usok kang malalanghap.
4.)Ipatong ang palanggana sa mesa at umupo sa harap nito.
5.)Ilapit ang ang iyong mukha ng 6 inches sa mainit na tubig. Mag-ingat na hindi ka mapaso.
6.)Magtalukbong ng tuwalya sa ulo habang nakatapat sa palanggana. Ito'y para makulob ang init at malanghap mo ang usok na nanggagaling sa tubig.
7.)Dahan-dahang huminga sa ilong at buksan ng bahagya ang bibig. Huminga ng malalim kung kaya mo ang init. Itigil ito Pagkaraan ng 2 minuto para hindi ka masyado mainitan. Ulitin ang paglanghap ng steam hanggang sa umabot ng 10 minuto.
8.)Pwede kang mag-steam inhalation ng 3-4 beses sa maghapon.

Bukod sa paglanghap ng steam, kailangan mo ring magpasuri sa doktor para magamot ang iyong sakit. Baka may impeksyon ka at kailangan mo ng antibiotic, o may allergy ka. Mabisa ang steam inhalation bilang pang-tulong sa iyong paggaling.



Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitue for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patienst shoudl always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive