General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan's COVID-19 confirmed cases jumped to 77



Ngayong araw ng Martes, Marso 17, 2020 ay pumalo na sa 77 ang bilang ng COVID-19 sa bansang Taiwan. Ito'y kinumpirma ng Taiwan's Central Epidemic Command Center (CECC). Ito na ang pinakamataas na bilang na naitala sa loob ng isang araw.

Ayon kay Health Minister and CECC head Chen Shih-chung (陳時中), ang mga ika- 68,69,70 at 73 na nagpositibo ay pawang bumiyahe galing Turkey. Kasama sila kahapon ng mga nagpositibo na ika-56,57,65,66 at 67.

Ang ika-71 ay bumiyahe rin galing Egypt, kasama ng ika-55 at 63 na kaso ng COVID-19 sa Taiwan. Samantala ang ika-72 na kaso ay isang ginang na nasa edad 70 at bumiyahe galing Czech Republic at Austria.

Ika-74 ay bumiyahe kasama ang pamilya sa Iceland. At ika-75 galing sa biyahe sa Germany.

Ang ika-76 naman ay galing Paris, France. At ika-77 naman ay bumiyahe ng Czech Republic at Dubai.

Sa ngayon ay nasa 77 na ang kabuuang bilang ng nagkakaroon ng COVID-19 sa Taiwan.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive