General Information and other helpful jobs

Taiwan government decided to implement new hospitalization rules against CoVid-19



Taipei - Dahil sa nangyayaring pandemic ngayon sa buong mundo ang mga hospitals ay laging napupuno ng mga tao na nagpapakita ng banayad na sintomas ng trangkaso matapos nitong umuwi galing ng ibang bansa. Dahil sa sitwasyon na ito nagdesisyon ang pamahalaan na huwag mabahala sa mga panuntunan at payagan ang may mga mild flu symptoms na mag-quarantine sa kanilang mga tahanan sa halip na sa hospital.

Ang lahat ng mga papasok na pasahero na nagpapakita ng mga sintomas ng Wuhan virus or COVID-19 tulad ng lagnat at ubo ay nakalista bilang mga pinaghihinalaang kaso at kinakailangan manatili sa mga isolation ward. Karaniwang umaalis lamang ang mga pasahero matapos masuring negatibo ito para sa coronavirus nang dalawang beses.

Ang buong pamamaraan ay karaniwang tumatagal ng tatlong araw at sinasabing may napuwersa na mga ospital at medical workers.  Upang mapagaan ang pasanin, inihayag ng Taiwan Centers for Disease Control (CDC) ang bagong patakaran nito kahapon Sabado (March 21).

Nangangahulugan ito na ang mga inbound passengers na nagpakita lamang ng mild symptoms ay hindi na kinakailangan na manatili sa isang isolation ward ng ospital matapos masuri para sa virus at tumanggap ng evaluation ng doktor.  Maaari na silang umuwi sa bahay upang sumailalim sa home quarantine.

Ang gobyerno ay muling nagpaalala sa mga publiko na iwasan muna ang hindi kinakailangang pagbabyahe sa ibang bansa at hinihikayat ang mga indibidwal na bumalik mula sa ibang bansa na magsagawa ng 14 days home quarantine. Ang mga nasa home quarantine ay dapat mag-ulat sa mga health authorities at bumisita sa mga ospital para sa isang medikal examination kung ang mga sintomas tulad ng isang lagnat at ubo ay nadedevelop at nararanasan.

Simula kahapon (March 21) ang mga kahinahinalang kaso ay hindi na kinakailangang i-quarantined sa ospital kung ang mga doktor ay nagbibigay ng berdeng ilaw at hindi sila nakatira sa mga matatanda o sa mga may sakit sa puso at pulmonary diseases.  Tanging ang mga taong nasuri na positibo o ang mga sintomas ay lumalala ay kailangang dalhin sa ospital para sa isa pang round ng mga pagsusuri.

Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive