General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan government to distribute NT$800 vouchers in all households to boost the economy against COVID-19



Gobyerno ng Taiwan naglabas ng bagong stratehiya upang labanan ang pagtamlay ng ekonomiya sa bansa dahil sa COVID-19. Matatandaang humina ang kalakalan sa buong mundo lalo na sa Estados Unidos at Europa.

Kaya gumawa ng hakbang ang gobyerno ng Taiwan upang labanan ang pagtamlay ng ekonomiya. Naglaan ng NT$2.3 bilyong halaga ng "Voucher" ang gobyerno at ipamamahagi sa bawat bahay. Ayon kay Minister without Portfolio Kung Ming-hsin
Ang bawat bahay ay makakatanggap ng apat na "voucher" na nagkakahalaga ng NT$200 bawat isa. Ang matatanggap na "voucher" ay gagamitin sa pagkain sa Restawran, ang isa ay gagamitin sa pang-shopping, ang isa naman ay gagamitin sa Kultural o Artistikong Aktibidades. At ang pang-apat naman ay gagamitin sa "Night Markets." Ang bawat vouchers ay pwedeng gamitin sa kahit saang sulok ng bansa ayon kay Ming-hsin.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive