General Information and other helpful jobs

Taiwan Local government, fine for all violators of home quarantine orders


Ang lungsod ng Taipei at New Taipei ay naghayag noong Miyerkules na isusulong nila ang pagpapatupad ng mga regulations sa ginagawang home quarantine. Ito ay dahil sa mga kaso na nangyari kamaikailan lang na kung saan ang mga tao ay nahuli na hindi sumusunod sa ipinag-uutos ng gobyerno na manatili lamang sa bahay.

Sa isang press release, sinabi ng Taipei City Police Department na madadagdagan ang paggamit nito ng mga random checkpoints at papayagan ang mga officers na suriin ang kalagayan ng mga tao na naka-quarantine sa pamamagitan ng mga online database bilang sagot sa isang kamakailan lamang na pagdagsa ng mga studyante at biyahero mula sa mga hotspot ng CoVid-19 coronavirus pandemic.

Samantala, sa New Taipei sinabi ni Mayor Hou You-Yi na pagkatapos ng una na paghihirap ng pagkaantala ng hanggang sa tatlong araw, ang pag-uulat tungkol sa quarantine mula sa central hanggang sa mga lokal government ay nag-improved at pinahihintulutan ang pagkakaroon ng mas mahigpit na pagpapatupad ng utos.

Si Ke Ching-chung isang director-general ng city's department of civil affairs ay ipinaliwanag na sa dating sistema, ang mga opisyales ng paliparan ay nagpasa ng mga listahan ng mga naka-quarantine sa National Immigratiob Agency na kung saan ang mga ito ay inilipat sa mga lokal na awtoridad.

Ayon kay Ke, isinusulong na ngayon ng gobyerno ang sistema. Ang mga pinuno ng kapitbahayan at ibang mga lokal opisyal ay pinapayagan na ma-access ang mga listahan ng mga naka-quarantine na walang ganoong katagal na mga delay.

Ayon sa city government statistics, mayroong kasalukuyang 12,000 mga residente ang New Taipei sa ilalim ng home quarantine na may pinakamataas na bilang sa mga distrito ng Banqiao, Xindian at Zhonghe.

Bilang karagdagan sa pagpapalakas ng patakaran, ang ilang mga lokal na pamahalaan ay inihayag noong Miyerkules ang malaking pagmumulta para sa mga taong mahuhuli dahil sa paglabag sa kanilang mga order para sa home quarantine na ipinatutupad sa ngayon.

Sa Taipei, sinabi ni Deputy Mayor Vivan Huang na ang lungsod ay magpapataw ng isang NT$ 1 milyon (US $ 33,011) na multa sa residente na si Chen Tse, na nawala matapos bumalik mula sa Beijing noong March 21.

Ayon kay Huang, matapos na mabigo na hanapin si Chen sa kanyang quarantine location nitong Linggo at Lunes, ang mga awtoridad ay nagpakalat ng kanyang identity sa publiko nitong Martes at dahil dito natagpuan siya nang gabing iyon sa isang internet cafe sa lungsod ng sa Zhongzheng District.

Samantala, sinabi ng pulisya ng Changhua County noong Miyerkules na isasaalang-alang nila ang multa hanggang sa NT$ 1 milyon laban sa isang mag-asawang taga Yuanlin City na hindi pinansin ang kanilang mga paghihigpit sa quarantine matapos bumalik ng mga ito mula sa kanilang pagbyahe sa Europa.

Sa puntong iyon, naalerto ang mga awtoridad sa pamamagitan ng mga cellphone monitoring devices kung saan nalaman ng mga ito na lumabas ang mag-asawa mula sa kanilang bahay. Dahil sa paggamit ng isang surveillance cameras mabilis nilang natagpuan ang mga ito, nakita nila na ang lalaki ay nagpapatakbo ng mga gawain sa trabaho at ang kanyang misis ay nakita sa isang pharmacy.







Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive