General Information and other helpful jobs

Taiwan Ministry of Health and Welfare will fine NT$6,000 to face masks litterers


Taipei-Taiwan (March 29, 2020) -Nagpalabas ng ordinansa ang Ministry of Health and Welfare (MOHW) na ang sino man ang mapatunayan na magtatapon ng surgical mask sa daan ay maaring magmulta ng NT$6,000(US$196).

Ang mask na ginagamit sa bansa na proteksyon sa covid-19 ay naging general waste na at kailangan itapon sa tamang lalagyan upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.

Pinalalahanan ng MOHW ang lahat na kung sinoan ang mahuhuli na magtatapon ng mask sa daan ay magmumulta mula NT$1,200 hanggang NT$6,000 sa ilalim ng Waste Disposal Act.

Maraming bayan sa Taiwan ang nakitang tumaas ang tinatapong surgical mask sa daan pagkatapos gamitin. Sa Pingtung ay nakapulot ng mahigit limang daang surgical mask ang mga volunteers sa isang oras sa malalapit na daan sa mga ospital.





Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive