General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan raised its alert to level-3 for 42 countries due to COVID-19


Inihayag ng Central Epidemic Command Center (CECC) nitong Lunes, March 16, na ang mga dumating sa bansang Taiwan na galing sa 42 iba't ibang bansa ay kailangang magkaroon ng 14 araw na quarantine simula Martes (March 17).

Ang Wuhan coronavirus ay nagsimulang bumuhos sa Taiwan dahil sa mga taong galing sa ibang bansa. Taiwan's Centers for Disease Control (CDC), nitong Lunes raised its alert sa 42 bansa at one territory sa Eastern Europe, Middle East, Central Asia, at North Africa sa level 3 warning. Kaya simula Martes ang lahat ng bisita ay magkakaroon ng 14 araw na quarantine.

Ang countries at territory na sakop ng anunsyo ay ang mga sumusunod: Afghanistan, Albania, Algeria, Armenia, Azerbaijan, Bahrain, Belarus, Bosnia and Herzegovina, Bulgaria, Croatia, Cyprus, Egypt, Georgia, Iraq, Israel, Jordan, Kazakhstan, Kosovo, Kuwait, Kyrgyzstan,  Lebanon, Libya, Mongolia, Montenegro, Morocco, North Macedonia, Oman, Pakistan, Palestine, Qatar, Romania, Russia, Saudi Arabia, Serbia, Syria, Tajikistan, Tunisia, Turkey, Turkmenistan, Ukraine, the United Arab Emirates, Uzbekistan, at Yemen. Ang mga galing sa bansang ito ay kailangan na magkaroon ng 14 araw na home quarantine pagdating sa Taiwan.

Noong Sabado (March 14), nakumpirma ng Taiwan's Central Epidemic Command  Center (CECC) ang 3 bagong kaso ng COVID-19 sa mga taong galing sa European countries, kabilang ang Netherlands, Austria, Switzerland, at France. Nitong Linggo naman nadagdagan ng 6 na baong kaso ng COVID-19, sa mga taong galing sa Middle East, Europe at Japan. At nitong Lunes ay nadagdagan na naman ng positibong kaso ng COVID-19 na nanggaling sa mga taong mula sa Italy, Germany, Greece, the Czech Republic, Philippines, Spain, Turkey na dumating sa Taiwan.

Health Minister and CECC head Chen Shih-chung ay sinabing kapag pumasok sa quarantine period at nagbigay ng mga maling impormasyon ay magkakaroon ng multang NT$150,000. At sino man ang di sumunod sa quarantine regulations ay magkakaroon ng multang NT$100,000 o NT$1 million at ang kanilang mga pangalan ay isasapubliko.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive