General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan's 83rd case of COVID-19, a Frenchman that roamed around Taiwan



Ayon sa Taiwan News, inihayag ng Taiwan's Central Epidemic Command Center (CECC) na kabilang sa 23 bagong kaso ng Wuhan coronavirus (COVID-19) ang French tourist na nagtravel sa iba't ibang lugar sa bansang Taiwan at halos 4 na araw bago lumabas ang sintomas ng sakit.

Sa press conference nitong Miyerkules ng hapon (March 18), inihayag ng Health Minister at CECC head Chen Shih-chung na sa 21 bagong kaso ay nagtravel sa Asia, Europe, US at ang 2 ay galing sa bansang Taiwan. Ang tanging foreign national lamang sa 23 bagong kaso ay French citizen na nagtravel kasama ang mga friends, 4 na araw bago maghanap ng medical attention sa sintomas ng sakit.

Sinabi ni Chen na ang 83rd kaso ay ang French national na dumating sa Taiwan noong March 12 at noong March 16 ay nadevelop ang symptoms, naghanap ng medical treatment. Pagkatapos magpositibo sa COVID-19 ay dinala sya sa isolation ward.

Ang lahat ay pinapaalalahanan na kung may kahina-hinalang sintomas ng coronavirus ay tumawag lang sa Centers for Disease Control's (CDC) toll-free epidemic prevention hotline at 1922 (or 0800-001922).


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive