General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Tension between Taiwan and China rises amid of pandemic COVID-19



Kahit sa gitna ng pandemic COVID-19, namumuo na naman ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at China. Kamakailan ay Ilang beses ng nanghimasok ang hukbong panghimpapawid ng China sa teritoryo ng Taiwan. At nakaraang linggo lang ay nangyari ang pag atake ng sampung Speed boats ng Tsina sa isang barkong pandagat ng Taiwan coastguard.

Lalo pang lumala ang tensyon dahil sa isinusulong na "Independence" ng bansang Taiwan. Mula ng maupo si President Tsai Ing-wen noong 2016 hanggang sa kasalukuyan ay nawala na ang ugnayan sa pagitan ng Taiwan at Beijing. Kamakailan ay naipasa sa Estados Unidos ang batas na "Taipei Act" kung saan layon ng Estados Unidos na lalo pang paigtingin ang ugnayan ng dalawang bansa na lalong ikinagalit ng China.

Ang kasalukuyang administrasyon ay kumakampi sa Estados Unidos. At kamakailan ay nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Taiwan at Estados Unidos na kung saan Linggu-linggo ay magpapadala ito ng 100,000 pirasong Facemask na lalong nagpagalit sa Mainland China at tinawag na "pagnanakaw sa karapatang pangkalusugan ng mamamayan ng Taiwan."

Noong mga nakalipas na buwan ay malayang nakakapaglayag at nakakalipad sa himpapawid ng Taiwan ang pwersa ng Estados Unidos. Kaya ngayon ay tensyonado ang sitwasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Ngayon araw sa Yilan County ay namataan ang ilang hukbong pandigma ng Taiwan na nagsasagawa ng pagsasanay. Ilang araw na rin na nagsasagawa ng Military drill ang bansa bilang paghahanda sa namumuong tensyon.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive