General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Third Pinay DH in Hong Kong confirmed positive of Corona Virus Disease



Isang Pinay DH sa Hong Kong ang nagpositibo sa Corona Virus Disease. Pangatlo na siya sa bilang ng mga OFW sa Hongkong na nahawaan ng nakamamatay na sakit. Ito'y kinumpirma ni Dr. Chuang Shuk-kwan, head ng communicable disease branch ng Centre for Health Protection ng Hongkong.

Ayon sa Health Department ng Hongkong ang nagpositibo Pinay DH ngayong Marso 4, 2020, ay ika-103 sa bilang ng may COVID-19.

Ayon kay Philippine Consul General Raly Tejada,

“have ascertained that she is healthy and presently not exhibiting any symptoms.”

Ayon rin kay Tejada, ang dalawang naunang Pinay na nagkaroon ng Corona Virus ay kasalukuyang nagpapagaling na.

Ayon kay Dr. Chuang Shuk-kwan, head ng communicable disease branch ng Centre for Health Protection, ang bagong kaso ng nahawaan ay isang 57-year-old domestic helper na nakatira sa Phase 1, The Redhill Peninsula in Tai Tam.

Sa ngayon sa Hong Kong ay mayroong 104 na kaso ng COVID-19 at dalawang patay.


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive