General Information and other helpful jobs

Tulong ng Yogurt sa maraming Sakit


Ang yogurt ay gawa sa gatas at kumpleto sa protina, carbohydrates at fats. May calcium para sa ating buto, may potassium para sa mga nag-eehersisyo at may vitamin B, para sa ugat at stress. Napakahalaga ng good bacteria sa yogurt, iyong tinatawag na lactobacilli.

Heto ang iilan lamang sa mga sakit na matutulungan ng yogurt:
1.)Para sa mga nagtatae sa gatas
May mga tao na may lactose intolerance. Ang ibig sabihin ay nagtatae sila kapag naka-inom o nakakain ng pagkaing may gatas. Bilang kapalit sa gatas, subukan ang yogurt na mas sang-ayon sa iyong tiyan.
2.)Para makaiwas sa kanser sa tiyan
Ang yogurt ay makatutulong sa pagpapadami ng good bacteria sa ating tiyan. Gaganda pa ang ating pagdumi at makaiiwas tayo sa kanser sa tiyan at colon cancer.
3.)Para sa Singaw
Ang pag-inom ng yogurt o yakult 3 beses sa maghapon ay nakakapagtapal sa sugat ng singaw. Kahit nasaan pa ang singaw mo, sa bibig, dila o lalamunan, matatapalan ng yogurt at mababawasan ang sakit.
4.)Para sa mga Nagpapayat
Imbes na ice cream o full cream milk ang inumin, mas hindi nakakataba ang yogurt. Piliin ang low-fat yogurt dahil 100 calories lang ito bawat cup.
5.)Para sa vaginal yeast infection o impeksyon sa puwerta
Minsan, ang mga babae ay nagkakaroon ng makati at maputing discharge sa puwerta. Paraagamot ito, nagbibigay ang doktor ng anti-fungal suppository. Bukod dito, kumain din ng isang tasang yogurt sa loob ng 5 araw para manumbalik ang lactobacillus na nasa pwertadin. Kapag ang mga kababaihan ay kumain ng 4 cup ng yogurt bawat linggo, mas hindi sila magkakaroon ng impeksyon sa ihi at sa pwerta.
6.)Para sa marami sakit
Ayon sa pagsusuri, pinapalakas ng yogurt ang ating immune system at tinatanggal ang mga bad bacteria sa katawan. Dahil dito marami pang sakit ang pinapalagay na matutulungan ng yogurt, tulad ng ulcer, allergy, kanser at HIV-AIDS.
Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive