General Information and other helpful jobs

303 distressed OFW who availed amnesty arrived from Kuwait



Dumating kaninang hating gabi ang 303 distressed OFW sa NAIA Terminal 1 mula sa bansang Kuwait.

Dahil sa ipinatutupad na Amnesty Program simula Abril 1-5, 2020 ng bansang Kuwait. Umabot na sa 303 na distressed OFW ang naka-avail ng amnesty ayon sa Department of Foreign Affairs ng Pilipinas.

Ayon sa ahensya, nagbigay ng Amnesty Program ang bansang Kuwait para sa mga "undocumented workers" at mga may "absconding cases" para makasama nila ang kani-kanilang pamilya sa gitna ng pandemic COVID-19.

Hinihikayat naman ng embahada ng Pilipinas sa Middle East na makiisa ang lahat ng mga OFW na walang kaukulang dokumento, mga umalis sa kani-kanilang trabaho. Sa araw ng Abril 5, ay inaasahan ng pamahalaan na dadami pa ang bilang nga mga Pilipinong uuwi sa bansa kaya inaasahan din nila ang dagdag flights patungong Pilipinas.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive