General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

55 Health Workers of Bataan General Hospital and Medical Center tested positive of COVID-19


Base sa inilabas na ulat hinggil sa kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa probinsya ng Bataan. umabot na sa 81 ang nahawaan ng sakit at mayroong 15 na gumaling at apat naman ang nasawi.

Ngayong araw ng Miyerkules, Abril 22, umabot sa 55 na mga Health Workers mula sa ospital ng Bataan General Hospital and Medical Center ang nagpositibo sa COVID-19. Ito'y kinumpirma ng pamunuan ng ospital.

Base sa isinagawang imbestigasyon, nagmula raw ang COVID-19 sa isang pasyente na sumailalim sa "surgical procedure." Inaasahan namang tataas pa ang bilang ng mga nahawaan sa nasabing ospital dahil inaantay pa ang resulta ng pagsusuri mula sa 400 Health Workers ng ospital.

Ngayong araw ay umabot na sa 6,710 ang kabuuang bilang ng nahawaan sa Pilipinas at merong 693 gumaling at 446 naman ang bilang ng nasawi. 
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive