Kapapasok lang na balita, lumapag na sa Shenzhen China ang isang C130 ng Philippine Airforce upang kumuha ng isang laboratory equipment para sa COVID-19 ayon sa DOH.
Ayon sa ahensya, ipinadala ang C130 upang kuhanin ang binili ng gobyerno na BGI COVID-19 laboratory equipment na kaya raw makapagtesting ng aabot sa 45,000 na test kit. Ang nasabing equipment ay nagkakahalaga ng US$2.5 Million at ang perang ginamit ay mula sa grant assistance ng Asian Development Bank Ayon sa DOH, inaasahang aabot sa 7-10 araw ang pag-setup ng laboratoryo.
Inaasahan namang darating sa bansa ang C130 ngayong alas 10:30 ng gabi ayon sa DOH.
No comments:
Post a comment