General Information and other helpful jobs

A Fire broke out in a building in Taipei, third alarm was raised



Isang sunog naman ang sumiklab dakong 10:57 ngayong umaga sa isang gusali sa kanto ng Changchun road at Lingsen Road sa Zhongshan District sa Taipei.

Ayon sa North City Fire Station ng Taipei, nakatanggap ang kanilang opisina ng tawag bandang 10:57 ngayong umaga, Abril 26, hinggil sa nangyayaring sunog sa isang gusali sa may Lingsen road. Ang nasusunog na bahagi ay nasa ika-limang palapag ayon sa Fire Bureau.

Base sa inisyal na ulat, itinaas na sa ikatlong alarma ang sunog at kasalukuyang may mga na-trap mga residente sa taas ng gusali.

Agad namang nagpadala ng 21 Fire trucks, 60 na personnel at apat na Ambulansya ang siyudad. Patuloy pa rin ang pag-apula ng apoy at rescue operation sa mga na-trap sa itaas ng gusali.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive