General Information and other helpful jobs

A Group of Grab Food Drivers surprises the famous Vlogger "The Hungry Syrian Wanderer" as a sign of gratitude



Sa gitna na umiiral na lockdown sa kamaynilaan dahil sa COVID-19, Isang grupo ng Grab Food Drivers ang nagbigay surpresa sa isang kilalang dayuhang Vlogger sa Pilipinas na si Basil o mas kilala sa kanyang vlog na "The Hungry Syrian Wanderer.

Sinurpresang dinalhan ng mga pagkaing pinoy ang kilalang vlogger na si Basil ng mga grab driver. Nagpanggap ang mga ito na mag-deliver sa inorder na pakain ngunit naghinala na si Basil na maaring prank lang sa kanya ang delivery dahil wala siya umanong order na pagkain at kagigising lang niya.

Nang binuksan niya ang gate ay supresang nakangiti ang isang grab food driver na may dalang pagkaing Jollibee. Subalit hindi pa natatapos doon ang surpresa dahil nagsilabasan pa ang limang grab food driver na may bitbit na supot ng Jollibee.


Ayon sa grupo ito daw ay bilang ganti ng pasasalamat sa mga nagawang kabutihan sa ni Basil sa mga Pilipino lalo na sa kanilang grab food driver.

Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang surpresa, dahil ng binuksan nila isa-isa ang mga bitbit na pagkain na nakasupot sa Jollibee ay tumambad ang sari-saring pagkaing pinoy gaya ng Bananacue, maha blanca, pansit bihon, tahong at empanada.



At dahil kagigising lang niya ay wala daw siyang magandang maihahanda sa grupo ng grab food driver kaya naisipan niyang bigyan nalang ito ng T-shirts at alcohol mula sa kanyang merchandise.

At dahil mag-isa lang siya sa bahay at hindi niya mauubos ang pagkain ay naisipan niyang ipamahagi sa mga Security Guards at sa pamilyang nakatira sa isang abandonadong gusali




Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive