General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Ambulance driver fetching frontliners was shot over an allegations that he is fetching COVID-19 patients



Mariing kinokondena ngayon ng Department of Health ang nangyaring insidente sa Candelaria, Quezon. Isang Ambulance driver ang binaril Dakong alas 8:45 ng gabi kahapon nangyari ang insdente habang kumakain ng kanyang hapunan, ayon salasay ng biktima sinabi ng suspek na dapat hindi daw pinapapasok sa Subdivision ang ambulansya sapagkat nagdadala ito ng pasyenteng may COVID-19. Ipinaliwanag naman ng driver na mga frontliners lang ang kanyang sakay araw-araw at hatid sundo. Sa kabila ng paliwanag ay binaril ito ng suspek.

Nagpahayag naman ng mariing pagkondena ang Peter Paul Medical Center of Candelaria Inc. hinggil sa sinapit ng kanilang driver. Nanawagan sila ng hustisya para sa biktima. Nagtamo ng ang biktima ng matinding tama sa katawan at posibleng hindi makapagmaneho pa.

"Our ambulance driver is the breadwinner of his family, who in these trying times where we are at war with COVID-19, chose to bravely perform his duty beyond what is required for the sake of the community and his fellow front liners," saad ng ospital.

"At the moment, we respectfully demand that justice be served and given. He is your frontliner as well," dagdag ng PPMCCI, kasabay ng apela sa publiko na unawain at magpakita ng malasakit sa mga health worker.

"PPMCCI strongly condemns discrimination and harassment of all health workers. Justice shall prevail and shall hold those accountable to the full extent of law," giit ng PPMCCI.

Dahil sa mga insidente ng diskriminasyon na nararanasan ng mga health worker, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules sa Philippines National Police na protektahan ang mga frontliner.

“‘Yung mga taong gumawa ng gano’n, I am ordering the police to go around. ‘Wag kayong mag-istambay diyan sa istasyon. Maglakad kayo, tandem, at maghanap kayo ng mga taong bastos,” sabi ng pangulo sa mga pulis.

“Kung mahuli mo kung ano ‘yung binubuhos niya doon sa health worker, ibuhos mo rin sa kanya para tabla. Bakit, ikaw lang ba marunong? E ‘di tikman mo rin ‘yung ginagawa mo,” dagdag ni Duterte.


Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive