General Information and other helpful jobs

An Italian Priest in Taiwan was thankful after receiving NT$120 million as donations for COVID-19 in Italy



Sa loob lamang ng anim na araw ay nakalikom ng aabot sa NT$120 million (US$3.97 million) na halaga si Fr. Giuseppe Didone ng Camillian Saint Mary's Hospital sa Luodong. Siya ay nanawagan ng tulong sa Taiwan upang makalikom ng pambili ng mga emergency kits at equipment para sa kanilang bansa sa Italy na lubhang tinamaan ng COVID-19.

Dahil sa labis labis na tulong na natanggap ng pari ay hininto na niya ng pagtanggap ng donasyon. Aniya ay sobra-sobra na ang biyayang natanggap niya mula sa mga tao. Aabot sa 20,000 katao ng nagpaabot ng tulong kay Fr. Didone kaya agad naabot niya ng target amount.

Ayon sa kanya ibibili niya ito ng medical provision, surgical masks, at protective gowns para sa mga medical personnel sa Italy. Bibili daw siya sa Taiwan ng mga kagamitan na hindi bawal ilabas sa Taiwan at kung ano ang naayon sa batas. Ang iba ay bibilhin nalang sa ibang bansa.

"In the last few days, I've seen a late-stage cancer patient come to the hospital to make a donation. I've seen an old vegetable vendor waiting in line to donate surgical face masks and some of her earnings. Can you imagine how it has moved me to see this? The outpouring of support from Taiwanese society has "made me even more certain of the reason I decided to spend my life here," ayon kay Fr. Didone. 

Si Fr. Didone ay ginawaran ng Taiwan Citizenship noong taong 2017 at nanilbihan sa Taiwan mula noong 1965 at nakapagpatayo ng isang Special Care Center para sa mga "disable" sa Penghu at Yilan Counties at kasalukuyang nakatalaga sa Camillian Saint Mary's Hospital sa Luodong.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive